
Ikaw ba ay isa sa mga naghahangad na makapagtayo ng sarili mong negosyo?
Kahit kapirasong negosyo lang. At idadagdag mo lang sa current job mo.
Tanong ko: “Oh,di ba maganda ‘yun? “
“S’yempre naman!” Sagot mo.
Mas may extra income,mas okey.
Ngayon pag-usapan natin dito ang mga paraan at ideya kumpaano ka makakapagsimula ng sideline mo sa lalong madaling panahon. The time is now…yes, now na!
- Marunong ka bang magluto? Kung “Oo” ang iyong sagot d’yan ay swak ka dito. Try mo kayang magtinda ng mga kung anik anik na kakanin.Start ka sa madaling lutuin, madaling ibenta at walang masyadong kapital.
Ang mga halimbawa d’yan ay pagluluto ng banana que, barbeque,kamote que basta anything na may “que”. Pakneran mo ng isaw, betamak ,adidas at kung ano ano pang pagkain sa side-side.
Sundan mo ng mga malalagkit na biko,kalamay,bibingka at sapin sapin.O kaya, maglugawan ka sa harapan ng bahay niyo. ‘Yung isang kilo ng bigas, once na inihalo mo sa arroz caldo…aalsa ‘yun! Siguradong patok ka…tubong lugaw! 🙂Sago at gulaman during Summer Days? What do you think? Patok din ang iced candy at iced tubig tuwing may mga paliga ng basketball at volleyball.
At s’yempre bebenta din ‘yan t’wing may pa-marathon si Mayor at pa-Zumba si Kagawad.Puto bumbong sa malamig na Pasko weather.
Homemade cake and pastries for any occasion.
Maraming p’wedeng ibenta. Isip ka lamang ng kaya mong pamuhunanan.
- Kung may extra ka namang puhunan, why not put up a mix-mix store ( *sari-sari store- :p) Sari sari nga kaya one-stop shop mga kaberks at kapitbahay mong magiging mga suki. Need mo lang ng mapagkakatiwalaang tagabantay.
- Vulcanizing shop. Tama ang basa mo. Ito ‘yung shop ng mga nagbobomba ng mga natigwang na gulong. Gulong ng tricycle, bisikleta, motorsiklo, gulong ng kotse, ng trak at pagkaminsan …kaya din siguro nitong i-fix ang gulong ng buhay. (Joke ‘yung huli…tawa tayo! ):p
- Mineral water stand.
D’yan sa atin sa Pilipinas minsang kami ay nagbalik bayan,napansin kong hindi na pala nainom ng tap water o tubig mula sa gripo ang mga kababayan natin.Huwawww!! Susyal na talaga! Kaya kabi-kabila man ang mga naglipanang bilihan ng tubig na mineral d’yan ay keri mo rin sigurong makipag-kumpitensya. Daanin mo sa awesome customer service and support. At pinakamahalaga: sarapan mo ang ibinebenta mong tubig at ‘wag ‘yung pa-bogus bogus. Maraming bibili sa ‘yo pag maayos ang tinda mo. Pahalagahan mo ang brand ng produkto mo, lalong lalo na ang pangalan mo. Ayos? - Pa-load.
D’yan lang ako unang naka-witness ng pa-load churvah! Usung uso at patok na patok dahil lahat ng people ay adik sa texting. Napadagdag pa d’yan ang Social Media na pag inilista ko pa rito ay paniguradong hindi tayo magkakatapusan.“Mawala na ang lahat ‘wag lang ang load!” Marami na akong nabasang ganyang nagsa-shout out sa Facebook. 🙂 Sunod sa “kahit mawala na ang lahat ‘wag lang internet!”Ganyan ka in demand ang load.
Tingin mo,uubra sa ‘yo? - Catering services- Again i-maximize mo na dito ang galing mo sa pagluluto.Pag masarap ang food ninyo, maraming babalik at babalik.
- Last but not the least, part time online job.
Magbenta ka ng mga lumang damit mo sa Yahoo Auction, Ebay kung ikaw ay nasa ibang bansa aside from the Pinas. Post mo sa MeriKari at mag-antay ka ng mga tatawag. Mag-try kang mag-apply ng pagiging affiliate member sa Lazada dot com, sa Sulit dot Ph at sa kung anik anik pang mga kumpanya na nangangailangan ng mga taga-dala ng kostumer sa kanilang mga tindahan.At di imposibleng di mo makaya ‘yon. Kumbaga sa real estate, ahente ka.
Tapos pag may na-close na sale, kasama ka sa hatian ng kumisyon.Di ba dali lang?!Story time !(Mabilisang sharing ng aking “ahente” venture noon: May isang broker akong nakilala at nagpapadala s’ya sa atin ng balikbayan boxes. And for her to be able to meet the number of boxes na ikakarga sa container para i-ship internationally, nag-reach out sya sa mga mag-aahente. Kinontak n’ya agad ang beauty ng lola ninyo! :p
Madali lang ginagawa ko no’n,ina-aanounce ko lang sa mga costumer na may discount ‘pag sa akin nagpadala. Strategy tawag d’un. Dahil alam na this: mga utaw, kehilig sa bawas-presyo.
Nagpapadala sa akin ng malalaking kahon (literal na JUMBO boxes) ang kumpanya at ako lang ang nagdadala sa mga bahay ng costumers. ‘Pag puno na ang salop,esteh ang kahon, ipa-fax ko lang ang packing lists at detailed info nung mag-papa-pick up at wala na akong aatupagin kasunod nito kundi intayin na lang ang instant commission ko. (Whew!!!)
Dahil sa pick up, sila na rin ang bahala sa mga pagtawag sa movers at pagbabayad sa movers ulet.Affiliate -related,right?
I hope may natutunan ka sa nabasa mo rito.
If you still have any ideas in your mind, don’t be shy to contact or send me a message so that I can also add your thoughts here.
Kilos na at mag-umpisa ng mag-negosyo.
Meanwhile,baka may time ka pa para mag watch ng video
Click here !
Thanks sa pagbasa mo hanggang sa huli.
Bye for now.